Wednesday, July 15, 2009

Kailan...

Sarili'y di alam, ang lugar kung saan
Kung paano bibigay, ang pag ibig na alay
Sana minsan pa'y, sumagi sa isipan
At dagli mong haplusin, ang pusong nasasaktan


Di ko man mapadama, ang pag ibig na tunay
Dahil ako'y takot, na baka lang mawalay
Ayokong mangako, ngunit handang magpatunay
Na hindi kana iiyak, at muling masasaktan


Walang alinlangan, o anumang hinagpis
Hindi mo man ibigin, ay handang magtiis
Maghintay nang kahit, O kahit na kailan
Basta't kasama ka, at itatangi kong mahal


Makita ka lamang, na kahit sandali
Ang pag asa ng puso, ay mas nananatili
Walang makahahadlang, kahit na sinuman
Ang pag-ibig ko sayo, ay pahahalagahan

Pangarap ka

Lumbay nitong puso'y, itago mang pilit
Sapagkat wala ka, at ako'y nananabik
Makita ang mukha mong, maamo't marikit
Lungkot ay napapawi, at tuwa'y nanunumbalik


Anong tuwang nadarama, kapag ikaw ay kapiling
Hindi mo lang alam, na ika'y hiling lagi
Kung pwede lang sanang, pigilin ang sandali
Nang ikaw ay sa tabi, laging manatili


Ang bawat sulyap mo, ay ginto kong sandali
Ang iyong mga ngiting, nakakakiliti
Ako'y nananabik, na ika'y makatabi
At sayo'y paramdam, ang di ko masabi


Sana kahit minsan, ay iyong maramdaman
Ang pag ibig kong alay, ngayon at kailanman
Hindi mo man batid, na ika'y minamahal
Asahan mong lagi, ako'y naririto lang